Ang mga tanda'y nagsasabing malapit Ang sa Pangino'n na sa lupa'y pagbalik; Pangako na dapat ikagalak, nguni't Oras ay dibatid.
REFRAIN
Darating! Humanda't magpuyat ka; Darating Darating, aleluya! Aleluya! Darating Siya ay darating sa alapaap nguni't Oras ay dibatid.
Ang kaligtasan na kaloob ng langit, Sa aklat ng Diyos madaling masaliksik, Ang kawakasan ay malapit na, nguni't Oras ay dibatid.
Sa pagpupuyat tayo nga ay magtiis, At sa pag-gawa ng lahat ay magsakit, Ang pagdating N'ya ay malapit na, nguni't Oras ay dibatid.